Ang unang pagpunta ko sa Saudi


Pangarap ng bawat Pilipino na sa ibang bansa, kahit dun yata sa lugar ni tarzan sa africa taget din ng Pilipino ehh, pero syempre, ang tanging paraan lamang ay ang paghahanap ng trabaho sa para ibang bansa.

Ang istorya ng buhay ko kaya ako napunta dito sa mainit na lugar ng mga arabo ay dahil sa maling pag-apply. Dati, nagtatrabaho ako sa isang rescue unit ng city namin sa may parting mindanao, dun sa unang nababalita pag may giyera. Isang araw, nang nkaduty ako, sabi ng kasama ko may hiring daw ng FIREMAN para U.S.A., syempre, excited nman ang loko, agad-agad akong gumawa ng resume, ano ka? states kaya yun!. Kinabukasan, mabilis pa sa alas singko ang pagpunta namin sa agency na nagpa-advertise daw nung nasabing hiring. Di pa nga nagbukas yung agency andun na kaming tatlo ng mga kasama ko. Halos makaubos na kami ng dalawang kahang yosi (yung tag18Php lang ang kaha) nun bago nagbukas yung agency, isipin nyo lang kung gaano kaaga yun. Hay naku mga kapatid, nung nagbukas ang agency halos makipagbuno pa kami sa mga nakapila para lang mauna ang resume namin. Ang malas nga naman, pagdumating talagang nakakatawa. Yung oto-uto naming kasama hindi yata marunong bumasa ehh ang tanda na, akalain mo pa namang TIREMAN pala ang hinahanap ang masakit pa nun ay pati kami nauto ng uto-uto naming kasama. Ehh napahiya lang muna ang actor nyo at ang tanging nasabi ko nalang sa bisaya ehh "Pastilan!". Kaya ayun, buti nlng at mayron tayong kunting alam sa AutoCAD (pangdrawing yun, hindi yan yung AUTOng nkaCADena), kaya iniwan ko nlng yung resume ko na para AutoCAD at sabi nman ng agency ay tatawag nlng daw kung may hiring para sa ACAD operator. At sa katawa-tawang palad nman ay iniwan nlng din ng mga kasama ko yung resume nila para sa FIREMAN para daw hindi masyadong nkakahiya yung pagsingit namin sa pila.

Dumaan ang ilang buwan, payosi-yosi pa din dun sa trabaho namin habang nag-aabang ng may madisgrasya at mapakinabangan nman kami ng office namin. Biglang nag-ring yung telepono sa opisina kaya alisto ang lahat baka ito na yung responding inaasam-asam namin. Nung sinagot ng in-charge yung telepono, aba'y akalain nyong ako ang hinahanap, eh yung teleponong yung ay intended lang para sa emergency calls, akala ko nga noon ay namatay na yung aso namin na walong taon na sa amin, mas matanda pa nga sa pamangkin ko yun ehh, yun pala ang agency na inapplyan namin noon ng FIREMAN ang tumawag. Nung malaman ng dalawang ungas na kasama ko sa pag-apply nun, na yung agency ang tumawag, nagsiksikan yung dalawa sa likod ko para makibalita daw (asa pa sila, ako kaya ang tinawag). Pa.ingles-ingles nman c actor sa pagsagot sa telepono, "This is mackoy, speaking". Sagot nman ng taga-agency na may hiring nga daw, biglang nagtalunan yung dalawang kolokoy sa likod ko nung marinig nila sa speaker na may hiring, akala cguro eh fireman na yung hiring yung pala kaya si actor ang tinawag ay yung hiring ay para AutoCAD pala yun at sinabing may interview nga daw with the employeer.

Isang linggo ang lumipas, pormang tao na si actor nyo. Dapat daw ma-ipress yung arabo, kahit yung isang taga-agency nman tlaga ang pinopormahan. Syempre, maagang nagpasa ng resume c actor kaya first on the list daw. Tinawag yung pangalan ko kaya review na agad lahat ng impressing words ni actor. Tanong ng arabo kung marunong daw akong mag-AutoCAD, syempre sagot nman ng malakas na "Yes, of course sir!". Pasalamat sya at hindi pa sikat si Vice Ganda nun, kundi matitikman nya ang latigong ala Vice Ganda. Sasabihin ko sana "No Sir, I don't know how to use AutCAD, that's why I wrote it on my resume because I don't know". Salamat nman sa Diyos at pinili ang first on the list at scheduled for medical exam na daw para sa visa stamping.

Pagkatapos ng tatlong araw, ayun, pumunta na kami ng Davao, kasama yung iba pang natanggap sa interview. Dumating kami dun ng Linggo ng gabi, xempre wlang mag.eexam sa amin kasi linggo nga diba? Kaya nagkayayaan ng inuman at nalasing nman si actor, buti nlng at uso din pala doon ang unlimited rice kaya pasok agad sa restaurant. Umorder agad ng sinigang na bangus, pork humba (syemre, wlang baboy sa Saudi eh) at unlimited rice. Andyan na ang inorder namin, kaya ayun hingi agad ng dalawang cup ng rice c actor, aba! isipin mo nmang bawal daw two cups baka hindi ko daw maubos. Hindi pa nga nakalagpas sa pangalawang mesa yung waiter, tatlong subo ko lang yung rice na binigay nya, kaya ayun, mga apat na beses din syang pabalik-balik mula sa pangalawang mesa pabalik sa mesa namin. Napagod na cguro kaya nagbreak the rules na ang loko at binigyan ako ng dalawang cups ng rice bago sya umalis.

Makalipas ang isang buwan, dumating na yung visa, oec, at flight details. Isang buwan nlng mkakaalis na ako papuntang saudi. Excited syempre kaya kailangan ma-overhaul si actor ngayon. Syempre, willing nman c GF na i-overhaul nga ako, kaya halos isang buwan din ang check up at testing ng shifter natin. Nung dumating na ang araw na aalis na nga papuntang saudi, excited na ako nun, first time ko'ng sumakay ng eroplano nun ehh. Di ko akalain nun eh na may lubak din pala sa himpapawid, parang gusto ko nang tanggalin ang upoan nun at tumalon palabas. Sa awa nman ng Diyos ay nkarating na nga nang saudi si actor kahit masakit yung tiyan sa gutom dahil bitin sa pagkain na binibigay ng waitress na stewardess, gustohin ko man humirit, baka bigyan nanaman ako ng puro pansit ng mga intsik na stewardess kaya minabuti ko nlng humingi ng tubig.
Tuwang tuwa ako nang mkakita ako ng arabo for the second time nun eh, syempre ang una ay nung interview, alam ko nasa saudi na talaga ako. Excitement lang ang nasa isip ko nun, di ko alam grabe pala ang pagsubok at hirap ng buhay dito sa saudi, pero sa awa pa rin ng Diyos, hanggang ngayon ay andito pa rin ako at patuloy na nakikipagbuno sa hirap ng buhay na malayo sa pamilya, sya nga pala, si GF ko dati ay si Misis ko na ngayon.

Maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa pagbabasa. Magsubscribe lang at marami pang sari-saring kwento ng buhay OFW, pag-ibig, at iba pa akong ipo-post.

No comments:

Post a Comment